Friday, January 30, 2015

#MAYFOREVERBA?

                                                BAGONG ARALIN




ENERO 20, 2015
 *Nang araw na ito aming tinalakay ang patungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang Noli me tangere, binigyang pansin sa aming talakayan ang tungkol sa bansang Espanya. Ayon sa aming guro ang pagtalakay sa namin sa bansang ito ay may kaugnayan sa kaligirang pangkasaysayan ng ng  Noli me tangere. Dahil kinakailangan naming alamin ang mga salik kung bakit naisulat i Dr. Jose Rizal ang nasabing nobela. At isa sa mga salik na ito ay ang pagbagsak ng Espanya na nooy akala ng mga Pilipino na mayaman at malakas na bansa ngunit sa kabila pala ng pagiging superyor at malakas ng bansang ito sa Pilipinas ay siya namang paghina nito sa sarili nitong bansa. Ang mga tinuturing na dahilan ng paghina nito ay ang mga pagkalugi ng Gallon trade isang uri ng kalakalang ginagawa ng Espanya sa mga kolonya nitong bansa , kawalan ng matatag na pamahalaan dahil sa pabago-bagong pinuno at pilosopiya ng bansa, at ang huli ay ang paglaya ng mga kolonya nitong bansa dahil dito wala ng maaaring mapagkuhaan ng mga hilaw na materyales ang bansang ito. Upang lubos naming maunawaan nagbigay ang aming guro ng mga babasahin patungkol sa mga ito.
 Matapos nito nagkaroo kami ng pagsasanay subalit di namin ito natapos  sa kadahilanang tapos na ang aming oras kung kaya ibinagay na lamang  ito sa amin bilang takdang aralin kasabay ng pagsagot namin sa pokus na tanong.

ENERO 21, 2015

   *Panibagong araw ng aming talakayan, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabalik aral kahapon, sinagutan din namin ang aming pokus na tanong at ang naiwan na takdang aralin. Matapos nito muling nagbigay ng mga babasahin  ang aming guro bahagi parin ito ng mga salik kung bakit naisulat ang noli me tangere. Ilan sa mga bagong salik na ito ay Himagsikan sa francia, pad usbong ng libetarismo, equalidad at fraternidad, pagbubukas ng suez canal , pang aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino noon, at ang buod ng nobela . Upang mapabilis ang aming talakayan iniaatas na lamang sa bawat pangkat ang pagpapaliwanag ng mga ito at masabi kung paano ito nakaapekto sa pagsulat ng Noli me tangere . Naging maayos naman naging pagfuulat ng bawat pangkat at bago matapos ang aming oras nagiwan ang aming guro ng takdang aralin para sa bawat pangkat. Kung  saan ang pangkat 1 ang mag-uulat ng buod ng noli mr tangere, pangkat 2 ang tsinelas isa sa mga anekdote ni Dr. Jose Rizal, pangkat 3 si Rizal at ang gamo-gamo, at ang pangkat 4 ay ang unang tulang naisulat ni Rizal ang sa aking mga kabata.

ENERO 22, 2015
  *Sa pagsisimula ng aming talakayan ang bawt pangkat ay nag ulat ng patungkol sa takdang aralin na naatas sa kanila, 
 nagsimula ang pag uulat sa pangkat 4 kanilang tinalakay ang tungkol sa tulang sa aking mga kabata, pangkat 3 si Rizal at ang gamo-gamo, pangkat 2 ang tsinelas ang huli ay ang pangkat 1 kung saan kanilang inulat ang buod ng nobela.
  Matapos ang pag uulat nag bigay katanungan ang aming guro ito ay ang "Ano ang naging kaugnayan ng mga nasabing salik sa pagsulat ng Noli me tangere? pangatwiranan ang iyong sagot".

ENERO 23 2015
 *Sa huling araw ng linggong ito nagsimula ang aming talakayan sa pag sagot sa iniwang katanungan ng aming guro patungkol sa mga aralin kahapon.
 Pinahapyawan narin ng aming guro ang kuwento ng Noli me tangere. Matapos nito tinanong niya ang klase kung paano nakaapekto ang mga tinalakay na salik sa pagkakasulat ng nobelang nabanggit.
  Nagbigay din ang aming guro kung dapat ba o di dapat ginamit ni Rizal ang panulat para sa kapakanan ng bayan?. Ang pafsagot nito ay sa pamamagitan ng debate ang magkabilang hanay ay kinakailangang pangatwiranan ang mga bibitawang sagot. Unang nagbigay  katwiaran ang kabilang pangkat (Sheena)
 ayon sa kanila dapat lamang na ginamit ni Dr. Jose Rizal ang panulat dahil itoy nakatulong sa pag laya ng ating bansa.
 nagbigay din ng katwiran kabilang hanay (Bueno) ayon kay Fulgar di dapat dahil paano na lamang kung hindi nakarating sa ating bansa ang nobelang ito. Sa pagkakataong iyon nahirapan ang hanay nila Sheena na sagutin ang pangangatwirang iyon ni  Fulgar kung kaya napunta sa hanay nila Bueno ang puntos. Maha haba rin ang naging debate nagtapos ito sa aking pangangatwiaran na di dapat dahil noong panahong iyon ay hindi pinapayagan ng mga prayle ang mga Pilipino na makapagaral kung kaya wala silang kakayahang unawain ito. 
  Bago matapos ang aming oras inatasan kami ng aming guro na panoorin namin ang pelikulang JOSE RIZAL ni CEASAR MONTANO.

No comments:

Post a Comment