Friday, November 21, 2014

KARUNUNGAN NG UNANG ARALIN!

             Linggo ng karunungan

Sa Linggo ito marami na naman kaming nakalap na kaalaman hatid ng aming guro.
  Tinalakay namin sa uang araw ang patungkol sa paghahambing,uri nito at mga salitang ginagamit sa paghahambing.
Ang paghahambing ay may 2 uri ang hambingana di magkatulad at hambingang magkatulad. Ang hambingang magkatulad  ay gumamit ng mga salitang gaya,tulad,sing,magsing,kasing at iba habang sa hambingang di magkatulad ay gumgamit ng mga salitang higit,mas ,di hamak at iba pa, ang hambingang di magkatulad ay may dalawang gamit ito ay ang hambingang pasahol kung saan tayoy naghahambing ng dalawag bagay na may higit na katangian na ginagamitan ng mga salitang lalo,di gasino,di gaano,at di totoo.At ang hambingang palamang na  naghahambing ng bagay na may higit na katangin sa pinaghahambingan ginagamitan naman ito ng mga salitang lalo,higit,mas,kaysa/kay,labis at di hamak.
  Sunod naman ay nagbigay ng impormasyon si Gng.Mixto tungkol sa proyektong kinakailangang  gawin ng bawat pangkat kung saan kailangang magsalisik ng bawat pangkat ng isang kilalang epiko sa mga bansang nasa timog kanluran at itoy ipapasa bago magtapos ang buwang ito.Kasabay din sa aming naging talakayan aming singutan ang pokus na tanong ng unang aralin para sa ikatlong markahan.

Saturday, November 8, 2014


       UNANG LINGGO NG IKATLONG                                      MARKAHAN
                        (NOBYEMBRE 4-7)

Sa unang araw ng aming pagtalakay kami ay nagkaroon ng unang pagtataya para sa markahang ito. Ang pagtatayang ito ang naging basehan upang masukat namin ang aming kaalaman patungkol sa mga bagay  o detalya sa Timog-kanlurang asya partikular  na sa bansang INDIA
 Sa ikalawang araw naman ay aming tinalakay ang paggawa ng isang tv/movie trailer inalam namin ang mga elemento nito, ito ay ang ..
 .Istorya
 .Storyboard
 .Direktor
 .Sinematograpiya
 .Disenyo ng set
.Bisa ng tunog
.Camera men
.Sound men
Mga elementong makakatulong sa amin upang makagawa ng isang movie trailer. Nang sumunod na araw epiko naman ang aming binigyan pokus at isa sa mag kilalang epiko ng india ang aming pinag-usapan ang RAMA AT SITA nagkaroon din kami ng takdang aralin at unang gawain patungkol dito.
 http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/11/epiko-rama-at-sita-isang-kabanata.html.