Friday, January 30, 2015

#MAYFOREVERBA?

                                                BAGONG ARALIN




ENERO 20, 2015
 *Nang araw na ito aming tinalakay ang patungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang Noli me tangere, binigyang pansin sa aming talakayan ang tungkol sa bansang Espanya. Ayon sa aming guro ang pagtalakay sa namin sa bansang ito ay may kaugnayan sa kaligirang pangkasaysayan ng ng  Noli me tangere. Dahil kinakailangan naming alamin ang mga salik kung bakit naisulat i Dr. Jose Rizal ang nasabing nobela. At isa sa mga salik na ito ay ang pagbagsak ng Espanya na nooy akala ng mga Pilipino na mayaman at malakas na bansa ngunit sa kabila pala ng pagiging superyor at malakas ng bansang ito sa Pilipinas ay siya namang paghina nito sa sarili nitong bansa. Ang mga tinuturing na dahilan ng paghina nito ay ang mga pagkalugi ng Gallon trade isang uri ng kalakalang ginagawa ng Espanya sa mga kolonya nitong bansa , kawalan ng matatag na pamahalaan dahil sa pabago-bagong pinuno at pilosopiya ng bansa, at ang huli ay ang paglaya ng mga kolonya nitong bansa dahil dito wala ng maaaring mapagkuhaan ng mga hilaw na materyales ang bansang ito. Upang lubos naming maunawaan nagbigay ang aming guro ng mga babasahin patungkol sa mga ito.
 Matapos nito nagkaroo kami ng pagsasanay subalit di namin ito natapos  sa kadahilanang tapos na ang aming oras kung kaya ibinagay na lamang  ito sa amin bilang takdang aralin kasabay ng pagsagot namin sa pokus na tanong.

ENERO 21, 2015

   *Panibagong araw ng aming talakayan, nagsimula ang aming talakayan sa pagbabalik aral kahapon, sinagutan din namin ang aming pokus na tanong at ang naiwan na takdang aralin. Matapos nito muling nagbigay ng mga babasahin  ang aming guro bahagi parin ito ng mga salik kung bakit naisulat ang noli me tangere. Ilan sa mga bagong salik na ito ay Himagsikan sa francia, pad usbong ng libetarismo, equalidad at fraternidad, pagbubukas ng suez canal , pang aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino noon, at ang buod ng nobela . Upang mapabilis ang aming talakayan iniaatas na lamang sa bawat pangkat ang pagpapaliwanag ng mga ito at masabi kung paano ito nakaapekto sa pagsulat ng Noli me tangere . Naging maayos naman naging pagfuulat ng bawat pangkat at bago matapos ang aming oras nagiwan ang aming guro ng takdang aralin para sa bawat pangkat. Kung  saan ang pangkat 1 ang mag-uulat ng buod ng noli mr tangere, pangkat 2 ang tsinelas isa sa mga anekdote ni Dr. Jose Rizal, pangkat 3 si Rizal at ang gamo-gamo, at ang pangkat 4 ay ang unang tulang naisulat ni Rizal ang sa aking mga kabata.

ENERO 22, 2015
  *Sa pagsisimula ng aming talakayan ang bawt pangkat ay nag ulat ng patungkol sa takdang aralin na naatas sa kanila, 
 nagsimula ang pag uulat sa pangkat 4 kanilang tinalakay ang tungkol sa tulang sa aking mga kabata, pangkat 3 si Rizal at ang gamo-gamo, pangkat 2 ang tsinelas ang huli ay ang pangkat 1 kung saan kanilang inulat ang buod ng nobela.
  Matapos ang pag uulat nag bigay katanungan ang aming guro ito ay ang "Ano ang naging kaugnayan ng mga nasabing salik sa pagsulat ng Noli me tangere? pangatwiranan ang iyong sagot".

ENERO 23 2015
 *Sa huling araw ng linggong ito nagsimula ang aming talakayan sa pag sagot sa iniwang katanungan ng aming guro patungkol sa mga aralin kahapon.
 Pinahapyawan narin ng aming guro ang kuwento ng Noli me tangere. Matapos nito tinanong niya ang klase kung paano nakaapekto ang mga tinalakay na salik sa pagkakasulat ng nobelang nabanggit.
  Nagbigay din ang aming guro kung dapat ba o di dapat ginamit ni Rizal ang panulat para sa kapakanan ng bayan?. Ang pafsagot nito ay sa pamamagitan ng debate ang magkabilang hanay ay kinakailangang pangatwiranan ang mga bibitawang sagot. Unang nagbigay  katwiaran ang kabilang pangkat (Sheena)
 ayon sa kanila dapat lamang na ginamit ni Dr. Jose Rizal ang panulat dahil itoy nakatulong sa pag laya ng ating bansa.
 nagbigay din ng katwiran kabilang hanay (Bueno) ayon kay Fulgar di dapat dahil paano na lamang kung hindi nakarating sa ating bansa ang nobelang ito. Sa pagkakataong iyon nahirapan ang hanay nila Sheena na sagutin ang pangangatwirang iyon ni  Fulgar kung kaya napunta sa hanay nila Bueno ang puntos. Maha haba rin ang naging debate nagtapos ito sa aking pangangatwiaran na di dapat dahil noong panahong iyon ay hindi pinapayagan ng mga prayle ang mga Pilipino na makapagaral kung kaya wala silang kakayahang unawain ito. 
  Bago matapos ang aming oras inatasan kami ng aming guro na panoorin namin ang pelikulang JOSE RIZAL ni CEASAR MONTANO.

Friday, January 16, 2015

#.GODISLOVE

 PANIMULA NG IKAAPAT NA MARKAHAN



ENERO.13.2015
  -Walang klase sa kadahilanang ito ang araw ng ikatlong markahang pagsusulit.

ENERO.14.2015
-Nang araw na ito aming itinama ang aming mga sagutang papel para sa ikatlong markahang pag-susulit sa asignaturang Filipino ,gayundin iniatas sa amin ni Gng.Mixto ang pagwawasto sa huling bahagi ng pagsusulit ng pangkat Hydrogen.
 Kasabay nito pinahapyawan na din ni Gng.Mixto ang magiging talakayan sa ikaapat na markahan, kung saan ang markahang ito ay patungkol sa nobelang NOLI ME TANGERE, isang nobela na sinulat ni Gat. Jose P. Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.

ENERO.15.2015
-Nagsimula ang talakayan ng araw na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ni Gng.Mixto ng mga pokus na tanong , mga paksang tatalakayin at mga produktong kinakailangang magawa sa markahang ito.
 Nagbigay din si Gng.Mixto ilang mga katanungan pa tungkol sa Noli me tangere , gaya ng ano ang ibig sabihin ng noli me tangere at ayon kay Estallo "wag mo kong  salingin" o "touch me not" sa wikang ingles , at sino sila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Sisa, at Elias .Ilan sa mga mahahalagang tauhang nagbibigay buhay sa nasabing nobela. 

ENERO.16.2015
-Nang araw na ito ay wala si Gng. Mixto kung kaya si G.Mixto ang pumasok sa aming klase upang ibigay ang unang pagtatayang pagsusulit upang masukat ang aming kaalaman patungkol sa mga tatalakayin sa markahanag ito. Matapos nito amin itong itinama at may ilang mga bilang ang bahagyang pinahapyawan ni G.Mixto. Bago matapos ang aming klase kami ay anatasan ni G.Mixto na magsalik patungkol sa kaligirang pang kasaysayan ng noli me tangere.

Sa  buong linggong ito aking nahinuha na magiging kapanapanabik  ang aming magiging talakayan dahil aming tatalakayin ang nobelang naging daan upang mamulat ang mata ng mamamayang Pilipino sa tunay na kalagayan ng ating lipunan sa panahong tayoy napasailalim ng pamahalaang Espanyol, gayun din ito ang gumising sa  damdaming makabayan ng mga Pilipino na nag.udyok sa mga ito na makibaka upang makamit ang kalayaan ng Inang Bayan.

Sunday, January 11, 2015

BAGONG TAON BAGONG BUHAY..

                            KARUNUNGANG  



                Sa unan araw ng linggong ito  aming sinumulan ang talakayan para sa ika-4 na aralin.Binigyang pokus ng araling ito ang bansang Saudi Arabia at Israel.Kasabay nito kami ay nagbalik aral tungkol sa sanaysay. Ang sanaysay ay mla sa pariralang  salaysay ng isang sanay ito ayon kayAlejandro Abadilla ang ama ng naturang katawagan.

           Tinalakay din ang 3 elemento nito.Ito ay ang paksa,tono at kaisipan. Ang PAKSA ay may nilalayon at sentro ng ideya ng may akda habang ang TONO ay tumutukoy sa tinig ito ay maaring masaya,malungkot,galit at iba pa at ang KAISIPAN ay kinakailangang may mensaheng maiparating ang may akda sa mga mambabasa.Ang kaisipang ito ng may akda ay hinda tuwirang binabanggit bagkus itoy gingamitan ng mga pahiwatig  sa paglalahad. Tinalakay din ng linggong ito ang mga kinakailangan sa pagbuo ng isang sanaysay, isa rito ay ang Pamaksang Pangungusap.Ito ito ay tinatawag ideya  at itoy ipinahahayag ng tuwiran sa loob ng talata, maaari itong matagpuan sa una, gitna o huling bahagi ng talata.

    Gayun din kami ay inatasan ni Gng. Mixto na manood ng isang dokumentaryong palabas.Matapos nito  siya ay nagbigay ng takdang aralin kung saan aming aalamin ang kung ano ang Synopsis,pangangatwiran at ang uri nito.Ang synopsis ay ang buod ng isang kuwento ngunit itoy malaman  kadalasang itoy  ginagamit sa nobela. At sa huling araww ng linggong ito kai ay nagkaroon ng pagsusulit patungkol sa aming mga tinalakay sa aralng ito (unit test)