Tuesday, February 24, 2015

#Oops!tEkaLngWait :)

                   KARUNUNGAN 
         NG LINGGONG NAGDAAN

Magandang araw sa inyo :) 


PEBRERO 17, 2015
*Nang araw na ito, bago magsimula ang aming talakayan nagbalik aral muna kami patungkol sa mga nakalipas na aralin at mga gawin  partikular na sa nakalipas na pag-uulat ng bawat pangkat . Matapos nito nagbigay ang aming guro ng ilang mga katanungan na " Si Crisostomo Ibarra ba ay mangingibig o biktama ng pagkakataon ?" kasabay din nito ang ilang mga gabay na tanong na "Sino Crisostomo Ibarra bilang mangingibig, bilang anak at kung ano ang kanyang mga hangarin at kung anu-ano ba ang bumabalakid dito at ang huli ay ano ang naging pagtanggap sa kanya ng mga taga San Diego sa kanyang pagbabalik ?". Upang maging madali ang pagtalakay sa mga ito , iniatas sa bawat pangkat ang pagpapaliwanag dito. Ngunit sa di inaasahan hindi kinaya ng bawat pangkat ang pag-uulat sa araw na iyon kung kaya pumayag ang aming guro na bukas na lamang  iyon gagawin o itatanghal ng bawat pangkat ng sagayon ito ay mapaghandaan.

PEBRERO 18, 2015

 *Nagsimula ang aming talakayan ng tawagin ng aming guro ang ika-4 na pangkat uypang iulat ang naiatas na gawain sa mga ito, kung saan ang ika-4 na pangkat ay sasagutin ang katanungang Sino si Crisostomo Ibarra bilang mangingibig? at kinakailangang maibigay nila ang mga kabanatang may kaugnayan dito.
 Mtapos ang pagtatanghal ng ika-4 na pangkat sinundan naman ito ng ika-3 pangkat kung saan kanilang sasagutin ang katanungang "Ano ang naging pagtanggap ng mga taga San Diego kay Ibarra sa kanyang pagbabalik at gaya ng pangkat 4 kanilang ibinigay ang mga kabanatang may kaugnayan dito.
 Matapos nito sinabi ng aming guro na itutuloy na lamang ng mga natitirang pangkat ang pagtatanghal sa biyernes.
 Nanuod kami ng penikulang  Bonifacio ang unang pangulo kasama ang mga manunulat sa pahayagan ng Mambugan na mula sa ika-4 na baitang pangkat assertiveness.

PEBRERO 19, 2015

*Walang pasok ng araw na ito kung kaya iginugol ko ang aking oras sa paggawa ng mga gawaing bahay gayundin sa paggawa ng mga takdang aralin sa ibat-ibang asignatura.
 Matapos nito nakisaya ako kasama ng aking mama at papa sa aming kaibigang Chinoy sa pagsalubong ng kanilang bagong taon.

PEBRERO 20, 2015

*Huling araw ng linggong ito, at sa huling araw na ito  ipinagpatuloy ang pagtatanghal ng mga natitirang pangkat na sinimulan ng pangkat 2 kung saan kanilang sinagot ang katanungang "Sino ba si Ibarra bilang anak?" at kanila itong ipinakita sa pamamagitan ng pagsasadula ng mga kabanatang may kaugnayan dito at ang huli ay ang pangkat 1 na silang sumagot sa huling katanungang " Ano ang mga hangarin ni Ibarra at ano ang mga bumabalakid dito.
 Matapos ang naging pagtatanghal nagbalik aral kami sa mga mahahalagang pangyayari s aloob ng Noli me tangere na may kaugnayan kay Ibarra.
 Sinagutan din namin ang ilang gabay na tanong , at bago matapos ang aming oras nagbigay ang aming guro ng isang takdang aralin kung saan kami ay guguhit ng isang bagay na sumisimbulo sa isang tauhan  sa Noli me tangere at kinakailangang ito bagyan ng paliwanag.

Monday, February 16, 2015

#PROMISESAREMEANTOBEBROKEN!

                 
          "BAGONG KAALAMAN"

PEBRERO 10-12, 2015
*Mula sa una hanggang sa ikatlong araw ng aming asignaturang Filipino binigyang pokus ng aming klase ang pag-uulat sa bawat kabanatang bumubuo  sa nobelang Noli me tangere .
   Ang ikalawang pangkat ang naatasang mag-ulat sa unang araw kung saan kanilang binigyang pansin ang mga kabanata bilang (11,12,19,20,22,24, at 26). Matapos ang ginawang pag-uulat ng pangkat 2 ay sinundan naman ito ng pangkat 3 ng sumunod na araw , gayundin  ng pangkat 4 at 5 ng mga sumunod na araw.Ngunit sa araw ng pag-uulat ng pangkat 5 nakasama ng aming pangkat ang pangkat Hydrogen .
 Hindi lamang bawat pangkat ang binigyan ng gawain maging ang bawat isa sa  aming klase , kung saan aming aalamin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra at amin ding aalamin kung bakit ito naging mahalaga para sa nasabing tauhan. 
 Naging maayos ang pag-uulat ng bawat pangkat nagpakita ng ibat ibang husay sa pag-uulat ang bawat isa nakita din ang kooperasyon ng bawat miyembro ng bawat pangkat.

PEBRERO 13, 2015 
*Nang araw na ito ay iniwan muna namin ang pagtalakay sa nobelang Noli me tangere , itinuon muna namin ang aming atensyon sa paggawa ng mga liham na may kaugnayan sa okasyon para sa linggong ito , ito ay ang araw ng mga puso at bilang gawain  inatasan ang bawat isa sa amin na gumawa ng isang liham na nasa anyong patula na binubuo ng labing anim na taludtod, na pumapaksa patungkol sa pagmamahal o pag-ibig .Sa nasabing gawain ay maaari kaming sumulat ng liham para sa aming mga minamahal halimbawa ay para sa aming kaibigan,pamilya, mga guro o sa aming mga kamag-aral  o kung hindi naman ay maaari kaming sumulat ng aming mga pananaw ukol sa paksa.

  Naging masaya ang mga nakalipas na araw marami kaming kaalaman na natutunan mula sa mga nag-ulat na pangkat at maging sa aming butihing guro.. 

Saturday, February 7, 2015

#CANTRUELOVEREALLYWAIT?

          "MASAYANG LINGGO NG                               KARUNUNGAN"


ANG BUWANG ITO AY BUWAN NG MGA PUSO MARAMING IIBIG AT MARAMI ANG TIYAK NA MAGPAPAKILIG SA KANILANG MGA INIIBIG. AT DAHIL MALAPIT NA ANG ARAW NG MGA PUSO ISANG MALIGAYA PAGBATI MULA SA AKING PUSO :)

PEBRERO 3, 2015

*Ito ang pinaka inaabangan naming araw alam nyo kung bakit?, dahil ngayong araw na ito magpapakita ng kani-kanilang galing sa pag arte ang bawat isa.Sa pagpasok ng aming guro sa aming silid aralan sinabi niyang ngayong araw na ito ang aming pagtatanghal  para sa aming parade of characters kung kaya inaasahan na niya na nakahanda na ang bawat isa at suot na ang mga kasuotan. 
    Ngunit ang bawat isa ay hindi pa nakapaghanda kung kaya nagbigay ang aming guro ng limang minuto para makapaghanda ang bawat isa. Matapos nito kinuha ng aming guro anng i.d ng bawat isang miyembro ng bawat pangkat upang malaman kung sino ang mauunang magtanghal ang aming gurong tagapayo ang bumubnot at ang aming pangkat ang unang nabunot nasinundan ng pangkat 3,4,1 at ang huli ay ang pangkat 5. Naging matagumpay ang naging pagtatanghal marami ang na puri dahil sa mga angking galing sa pag.arte at pagbibigay buay sa mga karakter na kanilang kinakatawan na labis na ikinatuwa ng aming guro.

PEBRERO 4, 2015

*Sa ikalawang araw  bilang pagsisimula ng aming talakayan ay nagbalik aral muna kami patungkol sa aming tinalakay sa nakalipas na araw . Matapos nito aming tinalakay muli ang patungkol sa mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang nobela na noli me tangere. Bagamat itoy amin ng natalakay sa aming nakalipas na aralin kung saan aming nalaman kung sino ang mga taong kinakatawan ng mga tauhan sa totoong buhay gaya ni Maria Clara na siyang kumakatawan kay Leonor River at marami pang ibang tauhan ang aming tinalakay, ngunit sa pagkakataong ito hindi lang basta kung sino ang kinakatawan ng tauhan ang aming tinalakay kasama na dito kung ano ang sisimbulo ng mga tauhan gaya ni Sisa na kumakatawan sa ating bansa sa panahon ng pananakop ng Espanya. M atapos nito nagbigay ng takdang aralin ang aming guro kung saan kami ay kinakailangang gumwa ng isang liham na aming ibabatay sa sitwasyong ibibigay ng aming guro ang nasabing sitwasyon ay naglalaman ng " Ang isang istsyon o programa ay magbibigay gantimpala para sa mga Bayning Pilipino sa makabagong siglo at isa sa aming kaibigan ang napili , ang liham na aming gagawin ay isang testimonyal kung saan aming tatalakayin ang mga magagandang katagian ng aming kaibigan at itoy aming ihahalintulad sa isa sa mga tauhan ng noli me tangere.

PEBRERO 5, 2015

*Nang araw na ito nagsimula ang aming talakayan ng ipapasa ng aming guro ang aming takdang arlin. Ito ang liham na aming ginawa ,matapos nito pumili ang aming guro ng isa na babasahin sa harapan . Habang binabasa ng isa sa aming kamagaral ang kanyang ngawang liham inisaisa namang tingnan ng aming guro ang gawa ng bawat isa . Pumili pa ng dalawang liham ang aming guro, ngunit sa di inaasahan marami sa aming pangkat ang hindi nakasunod sa panuto dahil ilan sa mga ito ay gumawa ng liham para sa kanikang kaibigan dahil dito ibinalik na lamang ito sa mga may-ari habang ang ilang mga tama ay makatatanggap ng karagdangang puntos. Nang araw ding ito sinabi ng aming guro na sisimulan na namin ang pagtalakay sa mga kabanata ng noli me tangere .Upang mapadali ang talakayan iniatas ito sa bawat pangkat at inaasahang mag-uulat ang pangkat 1 at 2 sa susunod na araw.

PEBRERO 6, 2015

*Nang araw na ito nagsimulang nag ulat ang pangkat 1 kung saan kanilang iniulat ang mga kabanatang naiatas sa kanila . Naging malikhain ang unang pangkat lalo na ng si Arlante ang nag ulat ibat ibang istratehiya ang kanilang ginamit . Matapos nito sinabi ng aming guro na magkakaroon ng maikling pagsusulit patungkol sa mga tinalakay ng unang pangkat bago mag ulat ang iklawang pangkat.