Friday, March 13, 2015

#.pakisabinalang

              LEKSYON NGAYON!

Isang magandang Buhay :)

MARSO 10, 2015
>Walang pasok ng araw na ito sa kadahilanang nagkaroon ng pagsusulit para sa ika-4 na markahan.

MARSO 11, 2015
>Nang araw na ito aming sinagutan ang mahahalagang katanungang iniwan sa amin ng aming guro  , ilaan sa mga ito ay "pano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?, "bakit isinisimbulo ni Maria Clara ang isang tunay na pilipina ?, at ang huli "masasabi bang isang ulirang ina at asawa si Sisa bakit?
     Matapos nito nagbigay pa ang aming guro ng ilang mga katanungang maykaugnayan sa aming leksyon na tinatalakay .
Nagkaroon din ng pagbabahagi ang aming guro patungkol sa kanyang buhay noong siya ay nasa kolehiyo .At ang huli nagbigay siya ng gawain sa bawat pangkat , bilang paghahanda ibinigay niya ang natitirang oras sa bawat pangkat.

MARSO 12, 2015
>Nang araw na ito , nagtanghal ang bawat pangkat. Bawat isa ay nagpakita ng kanilang mga aking kahusayan sa pagsasadula , kung saan ang unang pangkat ay nagsadula kung ano ang mga katangian ni Maria Clara bilang anak, tao at kasintahan , ang pangkat 2 naman ay isinadula kkung paano ipinakita nila Crisostomo Ibarra at Maria Clara ang kinilang pagmamahalan at kung nangyayari pa ba ito sa kasalukuyan, sa pamamgitan naman ng debate binigyang kasagutan ng pangkat 3 ang naiatas sa kanilang katungan na dapat bang ipaglaban ni Maria Clara ang kaiyang pagmamahal kay Ibarra o sumunod na lamang sa nais ng kanyang magulang ? at ang huling pangkat naman ay nagsadula upang ipakita kung bakit isinisimbulo ni Maria Clara ang isang tunay na pilipina at anio agn mga teoryang tumatalakay dito.
 At bago matapos ang aming oras ibinigay na ng aming guro ang takdang aralin ng bawat pangkat na ipiprisinta sa klase bukas.
 Ang pangkat 1 ay inatasang lumikha ng isang poster na nagpapakita ng tunyay na pagmamahal , pangkat 2 naman ay kinakailangang lumikha ng isang awitin na tungfkol sa paksang ibinigay, pangkat 3 ay lilikha ng isang tula at pangkat4 ay islogan.

MARSO 13, 2015
>Huling araw sa linggong ito , agad na naghanda ang bawat pangkat , unang nagtanghal ang pangkat2 kung saan kanilang ibinahagi ang isang awitin , ngunit sa di inaasahan hindi nakasunod sa panuto ang pangkat 2 suomunod namang nagtanghal ang pangkat 1 , pangkat 3 at ang huli ay ang pangkat 4.
  Naging maganda naman ang naging pagtatanghal ng bawat pangkat bagamat may ilang napuna ang aming guri lalo na ang pangkat 2 na hindi nakasunod sa panuto.


No comments:

Post a Comment