Wednesday, March 18, 2015

#.MEIANDMYSELF


              K TO 12 KURIKULUM ,
                       ANO BA ITO?

         K TO 12 bagong pangalang di tayo pamilyar ,salitang binibigyan ng malinaw at tamang kahulugan. Ang kurikulum na ito ay bagong mukha ng sekondarya,kung saan ang dating 4 na taon na dapat gugugulin ng mga mag-aaral sa sekondarya ay magiging 6 na taon na. Marami ang ang hindi sumasang-ayon na ipatupad ang nasabing kurikulum, dahil para sa kanila dagdag hirap at gastos lamang ito ngunit sa kabila nito marami din naman ang bsumasang-ayon dito .
     Pero ang tanong ano nga ba ang benipisyong nakapaloob sa kurikulum na ito?
Para sa akin bilang mag-aaral masasabikong oo, dagdag mahirap na naman ito para sa aming mga mag-aaral maging sa aming mga magulang dahil mahaba haba paang taong aming gugugulin  para makapagtapos sa sekondarya, pero sa kabila  naman ng hirap na iyon marami naman akong matututunan,mga araling dapat sa ibang taon ko pamatututunan ay napapahapyawan na sa aming mga mag-aaral.
  Gaya nalamang sa asignaturang Agham ,alam naman nating mayroon itong apat na bahagi kung saan itoy hinati sa bawat taon sa sekondarya, halimbawa ang bahagi ng Earth & Science ay itinuturo sa unang taon ng sekondarya habang ang Biology naman ay sa ika-2 taon,Chemistry para sa ikat-3 taon at Physics naman ay para sa ika-4 na taonkung saan doon lamang iikot ang aralin sa buong taon,noon iyon pero ngayon sa bawat markahan amin na itong natatalakay kaya hindi na namin kailangang hintayin ang susunod na taon para matutunan ang  ibang bahagi. Bukod pa riyan nagiging una  (advance) pa kaming mga mag-aaral bilang paghahanda namin sa pagpasok samundo ng kolehiyo.



                      ITO  ANG GURO KO!

        Marami saating mga estudyante ang takot sa mga gurong istrikto,para sa atin masyado silang nakakatakot kaya minsan nawawala tayo sa pokus ,takot tayong makibahagi sa klase dahil satakot na magkamaliat mapagalitan sa klase.
      Pero dapat nga ba natin itong ikatakot o ipagpasalamat?
Para saakin hindi dapat natinitong ikatakot bagkus dapat tayong magpasalamat sa pagkakaroon ng ganitong klase ng guro dahil natututo tayong maging disiplinadong mag-aaral.
 Gaya ng guro ko sa asignaturang Filipino ,maramingmag-aaral ang nagsasabing nakakatakot siyang maging guro . Peropara a akin hindi naman masyado may pagkakataon mang nakakadama ako ng takot sa kanya ayos lang dahil sa kabila ng takot na iyon marami akong natututunan sa kanya , di lamang sa asignaturang itinuturo maging sa mga katangian na dapat tinataglay ng isang kagaya kong mag-aaral.
Masungit man kung titingnan pero masarap naman kasama pagdating sa tawanan,isa siya sa mga gurong tunay kong hinahangaan , di lang sa kanyang husay sa pagtuturo maging sa katangiang kanyang taglay. Sabuong taon kong pag-aaral sa baitang 9 naging masaya ako pagkat siya'y aking naging guro. :)

No comments:

Post a Comment