Friday, January 16, 2015

#.GODISLOVE

 PANIMULA NG IKAAPAT NA MARKAHAN



ENERO.13.2015
  -Walang klase sa kadahilanang ito ang araw ng ikatlong markahang pagsusulit.

ENERO.14.2015
-Nang araw na ito aming itinama ang aming mga sagutang papel para sa ikatlong markahang pag-susulit sa asignaturang Filipino ,gayundin iniatas sa amin ni Gng.Mixto ang pagwawasto sa huling bahagi ng pagsusulit ng pangkat Hydrogen.
 Kasabay nito pinahapyawan na din ni Gng.Mixto ang magiging talakayan sa ikaapat na markahan, kung saan ang markahang ito ay patungkol sa nobelang NOLI ME TANGERE, isang nobela na sinulat ni Gat. Jose P. Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.

ENERO.15.2015
-Nagsimula ang talakayan ng araw na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ni Gng.Mixto ng mga pokus na tanong , mga paksang tatalakayin at mga produktong kinakailangang magawa sa markahang ito.
 Nagbigay din si Gng.Mixto ilang mga katanungan pa tungkol sa Noli me tangere , gaya ng ano ang ibig sabihin ng noli me tangere at ayon kay Estallo "wag mo kong  salingin" o "touch me not" sa wikang ingles , at sino sila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Sisa, at Elias .Ilan sa mga mahahalagang tauhang nagbibigay buhay sa nasabing nobela. 

ENERO.16.2015
-Nang araw na ito ay wala si Gng. Mixto kung kaya si G.Mixto ang pumasok sa aming klase upang ibigay ang unang pagtatayang pagsusulit upang masukat ang aming kaalaman patungkol sa mga tatalakayin sa markahanag ito. Matapos nito amin itong itinama at may ilang mga bilang ang bahagyang pinahapyawan ni G.Mixto. Bago matapos ang aming klase kami ay anatasan ni G.Mixto na magsalik patungkol sa kaligirang pang kasaysayan ng noli me tangere.

Sa  buong linggong ito aking nahinuha na magiging kapanapanabik  ang aming magiging talakayan dahil aming tatalakayin ang nobelang naging daan upang mamulat ang mata ng mamamayang Pilipino sa tunay na kalagayan ng ating lipunan sa panahong tayoy napasailalim ng pamahalaang Espanyol, gayun din ito ang gumising sa  damdaming makabayan ng mga Pilipino na nag.udyok sa mga ito na makibaka upang makamit ang kalayaan ng Inang Bayan.

No comments:

Post a Comment